Some pictures may not load properly because of the bug. You might see photos that may seem wrong or shouldn't be included in the post but don't worry the upload is correct.
Thank you!
This section is where you'll see pictures of events, activities and projects of Barangay San Roque.
Currently uploading activities. Please bear with us.
Some pictures may not load properly because of the bug. You might see photos that may seem wrong or shouldn't be included in the post but don't worry the upload is correct. Thank you!
0 Comments
Dumalo ang pamuan ng Barangay San Roque sa pangunguna ng ating Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. sa Committee Hearing na isinagawa ng Committee on Finance, Appropriations, Ways and Means na pinangunahan ng Konsehal ng Bayan, Joel G. Aguilar noong Abril 18, 2024 at ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall, San Jose, Occidental Mindoro.
Ang proseso ng pagkakaroon ng committee hearing sa Sangguniang Bayan para sa barangay budget ay naglalayong masiguro ang transparency, accountability, at tamang paggamit ng pondo. Ito din ay nagbibigay-daan sa mga konsehal at iba pang opisyal na magtanong, magbigay ng rekomendasyon, at kung kinakailangan, mag-propose ng mga pagbabago sa budget bago ito aprubahan. Kasama ding dumalo sa nasabing Committee Hearing sina Kagawad Julieta C. Arevalo, Kagawad Joselito A. Dinglasan, Kagawad Libner B. VIdal, SK Chairman David Benson P. Valdez at Treasurer Milagros T. Martin, Bumisita si Ain Niqyla S. Abad noong Abril 17, 2024 isa sa opisyal na kandidata ng Bb. San Jose 2024 para sa isang courtesy call sa ating Punong Barangy Julieto "Junjie" D. Tria Jr. at sa mga opisyal ng barangay.
Ang courtesy call ay isang paraan upang magpakita ng paggalang, ipakilala ang sarili, at humiling ng suporta mula sa lokal na pamahalaan at konumidad. Si Binibining Abad ay residente ng ating Barangay at taga Purok. Suportahan po natin siya sa kaniyang laban. Please react love on her photo https://www.facebook.com/photo/?fbid=825776922918074&set=pcb.825777892917977 Muling nakiisa ang pamunuan ng Barangay San Roque sa Lakbay San Jose 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pistang Parangal kay Patrong San Jose, ang Manggagawa na ginanap sa San Roque Chapel ngayong araw, Abril 16, 2024 ganap na alas kuwatro ng hapon.
Ang banal na misa ay pinangunahan ni Rev. Father Arnel T. Belamide. Dumalo sa misa sina Kagawad Julieta C. Arevalo, Kagawad Joselito A. Dinglasan at Kagawad Libner B. Vidal gayundin ang mga Barangay Public and Safety Officers (BPSO), Barangay Health Workers at Barangay Staffs. Nagkaroon ng Philippine Identification System (PhilSys) Registration ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa ating San Roque Extension Child Development Center na matatagpuan sa Purok 6. Nakapag rehistro ng may kabuuang apatnaput lima (45) noong Abril 5, 2024.
Ginanap ang 10 th Regular Session ng ating mga opisyal noong Abril 15, 2024.
Ang mga napag-usapang agenda para sa nasabing session ay ang mga sumusunod:
Nag-ulat din ang ating Ingat Yaman, Milagros T. Martin ng mga naging transaksiyon para sa buwan ng Marso, 2024 kabilang na dito ang mga disbursements (check issued) at mga naging collections at deposits (Af-51/CTC) Binigyan din ng kopya ng Statement of Accounts (SOA) ang lahat ng opisyal. Nakatakda ang susunod na session sa darating na Mayo 6, 2024. Pinulong noong Abril 13, 2024 nina Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. at Kagawad Rowena Q. Urriquia ang mga Purok Leaders para sa pinaplanong Flores de Mayo.
Ang "Flores de Mayo" ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na malawakang ipinagdiriwang sa Pilipinas sa buong buwan ng Mayo. Ito ay isang masigla at makulay na pagtitipon na nabibigay pugay sa Birheng Maria, lalo na sa kaniyang papel bilang Reyna ng Mayo. Ang "Flores de Mayo" ay isang relihiyosong at kultural na pagdiriwang na malawakang ipinagdiriwang sa Pilipinas sa buong buwan ng Mayo. Ito ay isang masiglang at makulay na pagtitipon na nagbibigay-pugay sa Birhen Maria, lalo na sa kanyang papel bilang Reyna ng Mayo. Bukod sa mga relihiyosong pagsasalin-salin, ang Flores de Mayo ay kasama rin ang iba't ibang mga kultural na aktibidad tulad ng mga patimpalak sa kagandahan, mga palabas ng talento, at mga street performance. Ito ay panahon kung kailan ang mga komunidad ay nagtitipon upang ipagdiwang ang pananampalataya, tradisyon, at ang kagandahan ng kalikasan. Sa kabuuan, ang Flores de Mayo ay nagpapakita ng kahalagahan ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa mga Pilipino sa kanilang kultura at relihiyon. Nagkaroon ng oryentasyon para sa gaganaping Summer Basketball League noong Abril 13, 2024.
Ang oryentasyon ay para ipaliwanag sa mga manlalaro, mentors and coaches ang mga patakaran ng liga, tulad ng mga batas sa laro, mga regulasyon sa liga, at iba pang mga alituntunin. Sa pamamagitan nito, ang lahat ng mga kalahok ay magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa mga inaasahang pamantayan at aspeto ng pag-uugali sa loob at labas ng laro. Ito ay pinangunahan ni SK Chairman David Benson P. Valdez at buong makasuporta naman sina Kagawad Edgar D. Eniego, Kagawad Rowena Q. Urriquia at Punong Barangay Julieto "Junjie" Tria Jr. Dumalo din sa oryentasyon ang Tournament Director na si Eric Tendido at mga Purok Leaders na magiging katuwang sa nasabing Inter Purok Summer Basketball. League. Si SK Kagawad Kylie C. Valdez ang nagsilbing tagapagdaloy ng programa. |
The EditorThis site is created and maintained by CJ for the barangay. Archives
April 2024
Categories
All
|