0 Comments
Narito po ang Proposed San Roque Aroma Beach-Airport Welcome Landmark na proyektong ihahatid sa atin sa pagtutulungan ng Committee on Tourism and Community Affairs ni Kagawad Rowena Q. Urriquia at Committee on Natural Resources and Environmental Protection ni Kagawad Edgar D. Eniego.
Ang welcome landmark ay may mahalagang papel sa pagtanggap at pagpapakilala sa isang lugar sa mga bisita at lokal na residente. Layon ng pagkakaroon nito ay maging pang akit sa Turismo. Ang maganda at maayos na welcome landmark ay maaaring maging isang pangunahing atraksyon at pagkakaroon ng potensiyal na maging isang destinasyon para sa mga larawang pang Turismo, pagpapahayag ng pangunahing halaga o mensahe ng isang lugar at pagpapaalala sa mga bisita ng kanilang karanasan sa pag bisita sa ating barangay. Ito ay planong ilagay sa may Bay Walk ng Aroma Beach, tapat ng gate ng San Jose Airport. Dahil may mga prayoridad na mga proyekto ang barangay, ang pondo para dito ay hindi kukunin sa pondo ng ating barangay. Para ito ay maisakatuparan ito ay pagtutulungan nina Kagawad Urriquia at Kagawad Eniego gayundin ng mga magiging sponsors ng nasabing welcome landmark. Ang Proposed San Roque Aroma Beach-Airport Welcome Landmark ay idinesenyo ng ating Kagawad Engineer Edgar D. Eniego. Volleyball Game 1 Grand Prize WinnerBarangay Staffs won against Barangay Health Workers (BHW) Volleyball Game 1 Consolation Prize WinnerVolleyball Game 2 Grand Prize WinnerBarangay Public and Safety Officers (BPSO) won against the Reserved Army Volleyball Game 2 Consolation Prize WinnerFun Run Winners (Senior Citizen, Women and Men's Category)Awarding of Certificate of Recognition to Coach MoresAwarding of Certificate of Recognition to the Barangay Public Safety Officers (BPSO) for their supportKudos sa ating Kagawad Edgar D. Eniego na talaga namang napa aktibo pagdating sa kalinisan ng ating kapaligaran.
Matapos ang 2nd Tourism Activities, kaagad na inikot ni Kagawad Eniego ang lugar kung saan idinaos ang nasabing aktibidad para masiguro na walang maiiwang kalat. Mapalad ang ating barangay sa pagkakaroon ng opisyal na tulad niyo! Part 1: Zumba DanceProgram ProperFood BreakBeach VolleyballFun Run (Senior, Women and Men's Category)Nagkaroon ng Philippine Identification System (PhilSys) Registration ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa ating San Roque Child Development Center na matatagpuan sa Purok 3. Nakapag rehistro ng may kabuuang apatnaput lima (45) noong Abril 5, 2024.
Nagkaroon ng Philippine Identification System (PhilSys) Registration ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa ating Bagong Silang Child Development Center na matatagpuan sa Purok 6A. Nakapag rehistro ng may kabuuang tatlumput isa (31) noong Abril 4, 2024.
Ginanap ang 9th Regular Session ng ating mga opisyal noong Abril 1, 2024.
Ang mga napag-usapang agenda para sa nasabing session ay ang mga sumusunod:
Nakatakda ang susunod na session sa darating na Abril 15 2024. |
The EditorThis site is created and maintained by CJ for the barangay. Archives
April 2024
Categories
All
|