Ang HPV ay isang uri ng virus na maaring maging sanhi ng iba't ibang uri ng kanser tulad ng kanser sa serviks. Ang bakuna kontra HPV ay nagbibigay ng proteksyon laban sa mga uri ng HPV na maaaring magdulot ng kanser. Ito ay mahalaga hindi lamang para sa proteksyon ng indibidwal laban sa mga sakit na nauugnay sa HPV, kundi pati na rin para sa pagpapalaganap ng kalusugan ng komunidad at pag-iwas sa mga komplikasyon na maaaring dulot ng virus na ito.
May kabuuang bilang na isang daan at animnaput lima (165) ang nabigyan ng bakuna kontra HPV. Sa darating na Setyembre 15, 2024 ang inaasahang iskedyul ng 2nd dose.
Maraming maraming salamat po kina Eden Gabutero (Nurse III MHO), Irene Bejeson (Midwife) at Minerva A. Bajaga ( Midwife RHNMP) na nagsagawa ng pagbabakuna gayundin sa ating mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars at ating Midwife na si Shela R. Alvaro na tumulong upang mapabilis ang proseso ng pagbabakuna.