Ang pagsasagawa ng Pabasa sa Nutrisyon ng ating mga Child Development Centers ay bahagi ng pagdiriwang ng National Children's Month. Ito ay isang mahusay na hakbang upang magbigay ng pansin sa kahalagahan ng tamang nutrisyon sa pag-unlad at pagpapalaki ng mga bata.
Ang ating 3 Child Development Centers ay may mahalagang papel sa pagpapalakas ng tamang nutrisyon sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng balanse at masusustansyang pagkain, pagtuturo ng tamang kaalaman sa nutrisyon at pagpapatupad ng mga patakaran para sa malusog na pamumuhay, maaaring magkaroon ng positibong epekto sa kalusugan at pag-unlad ng mga batang ito.
Naging katuwang ng ating mga Child Development Workers ang ating Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers sa pagsasagawa ng Pabasa sa Nutrisyon. Nagkaloob ng Certificate of Completion sa mga magulang na nakiisa sa nasabing aktibidad. Ito ay sinasikhan ni Kagawad Joselito A. Dinglasan na Committee Chairman ng Health and Social Welfare Services.