Ito ay bahagi ng Project San Roque Kalinisan Drive ni Kagawad Eniego at ito ay lingguhang gagawin upang mabawasan ang mga nagkalat na basura at magkaroon ng kaayusan ang ating kapaligiran. Gayundin nawa'ymakapagbigay ng inspirasyon sa mga residente ng ating Barangay na maging responsable at mahikayat na maging kabahagi nito sa pamamagitan ng paglilinis ng sariling mga bakuran at tamang pagtatapon ng mga basura.
Tandaan na kapag malinis ang kapaligiran, sakit ay maiiwasan!