Ipinahakot na din ang mga sako ng basura na hindi pa nahahakot ng truck ng MENRO sa Purok 3 upang hindi ito magtambak at kalkalin ng aso.
This section is where you'll see pictures of events, activities and projects of Barangay San Roque.
Kaagad na ipinalinis at ipinahakot ni Kagawad Edgar D. Eniego, Committee Chairman ng Natural Resources and Environmental Protection sa San Roque Topdown Garbage Collector kahapon, Mayo 14, 2024 ang mga sanga ng punongkahoy na nakatambak sa tapat ng ating Barangay Hall upang hindi ito maging sagabal at magdulot ng disgrasya sa mga dumadaang tao at mga motorista.
Ipinahakot na din ang mga sako ng basura na hindi pa nahahakot ng truck ng MENRO sa Purok 3 upang hindi ito magtambak at kalkalin ng aso.
0 Comments
Isinagawa ang paglilinis ng San Roque 1 Creek na matatagpuan sa Purok 1A ngayong araw Mayo 11, 2024 kung saan makikita na naipon ang mga basura, naging madawag na din ito dahil sa damo at maburak kaya hindi na dumadaloy ang tubig sa sapa.
Ito ay matagumpay na naisagawa sa pamumuno ni Kagawad Edgar D. Eniego, Committee Chairman ng Natural Resources and Environmental Protection kasama ang ating mga masisipag na opisyal na sina Kagawad Julieta C. Arevalo, Kagawad Joselito A. Dinglasan, Kagawad Giovanni I. Magracia at Kagawad Libner B. Vidal gayundin ng mga Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SK Chairman David Benson P. Valdez, mga Barangay Public Safety Officers (BPSO), mga Purok Leaders, Basketboleros Association at iba't ibang ahensiya ng gobyerno. Maraming maraming salamat po sa mga ahensiyang naging katuwang ng barangay sa Clean-up Drive ng San Roque 1 Creek
Nais po naming paalalahanan ang ating mga residenteng nakatira malapit dito na laging itapon ang ating mga basura sa tamang tapunan upang mapanatili ang kalinisan nito. Ang inyong kooperasyon ay aming inaasahan. #CleanUpDrive Muling nagsagawa ng Kalinisan Drive ang ating mga Purok Leaders sa Purok 2A kasama ang ating SK Chairman David Benson P. Valdez noong Mayo 10, 2024.
Ito ay bahagi ng Project San Roque Kalinisan Drive ni Kagawad Edgar D. Eniego na Committee Chairman ng Natural Resources and Environmental Protection at ito ay lingguhang gagawin upang mabawasan ang mga nagkalat na basura at magkaroon ng kaayusan ang ating kapaligiran. Gayundin nawa'ymakapagbigay ng inspirasyon sa mga residente ng ating Barangay na maging responsable at mahikayat na maging kabahagi nito sa pamamagitan ng paglilinis ng sariling mga bakuran at tamang pagtatapon ng mga basura. Tandaan na kapag malinis ang kapaligiran, sakit ay maiiwasan! Nagkaroon ng pagpupulong ang mga opisyal ng barangay noong Mayo 9, 2024 kasama ang mga kawani ng Municipal Planning and Development Office (MPDO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) para sa gagawing paglilinis ng San Roque 1 Creek sa Mayo 11, 2024.
Kasamang dumalo sa nasabing pagpupulong sina Kagawad Edgar D. Eniego, Committee Chairman ng Natural Resources and Environmental Protection, Kagawad Julieta C. Arevalo, Kagawad Joselito A. Dinglasan, Kagawad Giovanni I. Magracia, Kagawad Libner B. Vidal at Kagawad Rowena Q. Urriquia. Ang paglilinis ng creek ay layong makapagbigay hindi lamang ng malinis na kapaligiran para sa mga tao, kundi makapagbigay din ng masaganang habitat sa iba't ibang uri ng halaman at hayop. Ginanap ang 11 th Regular Session ng ating mga opisyal noong Mayo 6, 2024.
Ang mga napag-usapan para sa nasabing session ay ang mga sumusunod:
Nakatakda ang susunod na session sa darating na Mayo 20, 2024. Muling nagkatipon ang mga opisyal at kawani ng ating Barangay para idaos ang flag raising ceremony noong Mayo 6, 2024.
Ang pagtataas ng watawat, panalangin at pagkumpas ng pambansang awit ay pinangunahan ng ating mga Purok Leaders. Nagbigay paalala din si Kagawad Julieta C. Arevalo ukol sa pagtitipid ng paggamit ng kuryente sa kadahilanang napakalaki ng bill ng ating Barangay. Si Secretary Abegail L. Del Valle ang nagsilbing tagapagdaloy ng programa. Muling nagsagawa ng Kalinisan Drive ang ating mga Purok Leaders kasama ang ating Kagawad Edgar D. Eniego na Committee Chairman ng Natural Resources and Environmental Protection sa Marticio Street, Purok 3 ngayong araw, Mayo 3, 2024.
Ito ay bahagi ng Project San Roque Kalinisan Drive ni Kagawad Eniego at ito ay lingguhang gagawin upang mabawasan ang mga nagkalat na basura at magkaroon ng kaayusan ang ating kapaligiran. Gayundin nawa'ymakapagbigay ng inspirasyon sa mga residente ng ating Barangay na maging responsable at mahikayat na maging kabahagi nito sa pamamagitan ng paglilinis ng sariling mga bakuran at tamang pagtatapon ng mga basura. Tandaan na kapag malinis ang kapaligiran, sakit ay maiiwasan! Isinagawa ang turnover ng 20pcs steel trash cans with stand and cover sa MENRO ngayong araw, Mayo 1, 2024. Ito ay personal na tinanggap ni Iny Lourdes S. Peroy, head ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).
Ito ay bahagi ng Serbisyong Masipag Project ng Barangay San Roque at Iglit La Primera Eagles Club mula sa inisyatibo nina Kagawad Edgar D. Eniego, Chairman ng Committee Natural Resources and Environmental Protection at Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. Maraming salamat kay Mr. Mark Alvin Almazan, Club President ng Iglit La Primera Eagles Club at mga miyembro nilang masisipag kabilang na dito ang ating Kagawad Eniego na nagbuhat at naglagay ng mga nasabing steel trash cans sa kahabaan ng Aroma Beach Bay Walk. Ito ay sinaksihan ni Kagawad Rowena Q. Urriquia bilang representative ng ating Punong Barangay Tria Jr. Pinaplano ding magsagawa ng pagpupulong sa mga may-ari ng rolling stores na nagtitinda sa kahabaan ng Aroma Beach Bay Walk upang mas mapaigting ang kampanya hinggil sa tamang pagtatapon ng basura. |
The EditorThis site is created and maintained by CJ for the barangay. Archives
May 2024
Categories
All
|