Matapos nito ay isinunod na din ang repair and maintenance naman ng street lights sa Purok 6
Ipinagpatuloy ang repair and maintenance ng nasunog na linya ng street lights sa Purok 6B noong Pebrero 14, 2024. Matapos nito ay isinunod na din ang repair and maintenance naman ng street lights sa Purok 6
0 Comments
Katatapos lang po noong Pebrero 14, 2024 ang pagpapasemento ng road approach sa tapat ng Flying V Gasoline Station at katabi ng CLS Lapida and Stainless Brass Letters Fabrication Shop na pagmamay-ari ni Chito Soliman Jr. sa Purok 3.
Ito ay request kay Kagawad Julieta C. Arevalo at si Kagawad Engineer Edgar D. Eniego ang namahala sa pagpapagawa ng nasabing road approach. Sinagot ng ating mga opisyal ang gastos dahil hindi pa aprubado ang ating 2024 Budget kaya hindi pa maaaring maglabas ng pondo sa 20% o Barangay Development Fund Nagkaroon po ng repair and maintenance ang nasunog na linya ng street lights sa Purok 6B noong Abril 13, 2024.
Purok 6B street lights UPDATE !
Uumpisahan na po bukas ang pag aayos ng nasunog na linya ng street lights sa Purok 6B. Salamat po sa inyong pang-unawa Maraming salamat sa ating mapagbigay at mapagkalingang Kagawad Rowena Q. Urriquia na nag donate ng labing isang (11) peach round neck t-shirt bilang uniporme ng ating mga Barangay Health Workers.
Iba ka talaga Kagawad Weng! Muling nagkatipon kaninang umaga, Pebrero 12, 2024 ang mga opisyal at kawani ng ating Barangay para idaos ang lingguhang flag raising ceremony.
Ang panalangin ay pinangunahan ni Ma'am Jennifer A. Malicse samantalang ang pambansang awit ay kinumpasan ni Ma'am Aline C. Asuncion. Nagbahagi naman ng salita ng Diyos si Rev Pastor Danilo Del Valle. Si Ma'am Melissa P. Faller ang nagsilbing tagapagdaloy ng programa. Isinagawa ang Mindoro Island Loop Motorcyle Adventour noong Sabado, Pebrero 10, 2024.
Ito ay nilahukan ng iba't ibang grupo ng Riders na nagmula sa iba't ibang lugar sa buong Pilipinas. Ang mga naging ruta ng naturang Adventour ay ang mga lugar at kilalang destinasyon sa lalawigan ng Oriental at Occidental Mindoro kabilang na dito ang Mindoro Landing Monument na matatagpuan sa ating Barangay. Ang mga naturang lugar ang nagsilbing checkpoint na sandaling titigilan ng riders upang icheck ang kondisyon ng kanilang motor. Aktibong nakiisa si Kagawad Rowena Q. Urriquia bilang Chairman ng Committee on Tourism and Community Affairs gayundin sina Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. at Kagawad Edgar D. Eniego. Maraming salamat sa ating mga BPSO na kabilang sa mga tumulong para masiguro ang kaligtasan at seguridad para sa buong aktibidad. Nagsagawa ng ocular inspection ang mga DPWH engineers noong Pebrero 7, 2024 para sa gagawing rehabilitation/renovation ng Barangay Stage at rehabilitation ng canal/waterway sa Purok 1A.
Narito po ang buong detalye ng ating mga naging kahilingan: Resolution No. 014 series of 2022 Resolution requesting the Honorable Congressman Leody "Odie" Tarriela to allocate funds for the continuous rehabilitation of a canal/waterway at Purok 1A, Barangay San Roque, San Jose, Occidental Mindoro (clearing, putting of retaining wall with flooring along the canal from Pandurucan River to Camp Winston S. Ebersole and box culvert in the inclusive bridge). Motioned by Kagawad Joselito A. Dinglasan and seconded by all the members present. Resolution No. 026 series of 2022 Resolution requesting the Honorable Congressman Leody "Odie" Tarriela to allocate funds for the rehabilitation/rehabilitation of the stage of the barangay covered court of Barangay San Roque and the provision of benches, including the construction of drainage canal within it's parameter. Motioned by then Barangay Kagawad Julieto "Junjie" Tria Jr. and was seconded by all the members present. Lubos po kaming nagpapasalamat kay Congressman Odie Tarriela sa walang sawang suporta sa ating Barangay Nagpapasalamat din po kami sa dating Kapitan, Filomeno M. Santos gayundin sa mga kagawad ng nakaraang administrasyon na naging kaisa kaya naaprubahan po ang mga kahilingang ito. Ang nasabing ocular inspection ay sinaksihan nina Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr., Kagawad Edgar D. Eniego at Kagawad Rowena Q. Urriquia. Nagkaloob ng 1 solar light noong Pebrero 6, 2024 ang pamunuan ng Barangay San Roque sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Julieto "Junjie" Tria Jr. bilang tugon sa kahilingan ng 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pamumuno ni PLTCOL Andres C. Tejerero.
Batid po ng mga opisyal ng Brangay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ilaw at liwanag sa mga pampublikong lugar at komunidad sapagkat ito ay nakakatulong sa pagpapababa ng krimen at pagpapalakas ng kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan. Ginanap ang 5th Regular Session ng ating mga opisyal noong Pebrero 5, 2024.
Ang mga naging agenda para sa nasabing session ay ang mga sumusunod:
Bumisita din si Konsehala Mercy Alavran para ipaaala ang ordinansa hinggil sa one way at Barangay market. Nakatakda ang susunod na session sa darating na Pebrero 19. |
The EditorThis site is created and maintained by CJ for the barangay. Archives
May 2024
Categories
All
|