Marso 18, 2024
This section is where you'll see pictures of events, activities and projects of Barangay San Roque.
Maraming salamat sa ating 3 Kagawad na sina Kagawad Julieta C. Arevalo, Kagawad Joselito A. Dinglasan at Kagawad Libner B. Vidal na nagdonate ng collared t-shirt bilang uniporme sa ating 3 Child Development Workers.
Marso 18, 2024
0 Comments
Nagkaloob ng 1 water dispenser sa Bagong Silang Child Development Center na matatagpuan sa Purok 6A sina Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. at Kagawad Rowena Q. Urriquia bilang tugon sa kanilang hiling.
Ito ay personal nilang bigay at hindi galing sa pondo ng barangay. Ito ay tinanggap nina Ma'am Jennifer A. Malicse (Child Development Worker) at mga Child Development Service Parent Group Officers. Maraming salamat sa ating mapagbigay at mapagkalingang Kagawad Rowena Q. Urriquia na nag donate ng labing isang (11) peach round neck t-shirt bilang uniporme ng ating mga Barangay Health Workers.
Iba ka talaga Kagawad Weng! Nagkaloob ng 1 solar light noong Pebrero 6, 2024 ang pamunuan ng Barangay San Roque sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Julieto "Junjie" Tria Jr. bilang tugon sa kahilingan ng 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pamumuno ni PLTCOL Andres C. Tejerero.
Batid po ng mga opisyal ng Brangay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ilaw at liwanag sa mga pampublikong lugar at komunidad sapagkat ito ay nakakatulong sa pagpapababa ng krimen at pagpapalakas ng kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan. Nagkaloob ng 3 trophies sa San Roque I Elementary School ang pamunuan ng Barangay San Roque sa pamumuno ni Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. bilang tugon sa kanilang hiling para sa District Sports Meet na ginanap noong Pebrero 1-3, 2024.
Ito ay tinanggap nina Ma'am Jinky T. Villeza at Ma'am Mimi P. Rivera noong Pebrero 2, 2024. Maraming salamat sa ating mapagkalingang Kagawad Rowena Q. Urriquia na nag donate ng labinlimang (15) yellow collared t-shirt bilang uniporme ng ating mga Barangay Justice noong Enero 22, 2024
#mapagkalingangkagawad Maraming salamat sa ating mapagkalingang Kagawad Rowena Q. Urriquia na nag donate ng Water Dispenser para sa ating Barangay Health Station.
Ito ay tinanggap ng ating Midwife, Shela R. Alvaro at San Roque BHW president Rea Antoy noong Disyembre 18, 2023 #mapagkalingangkagawad |
The EditorThis site is created and maintained by CJ for the barangay. Archives
May 2024
Categories
All
|