Barangay Staffs won against Barangay Health Workers (BHW) Barangay Public and Safety Officers (BPSO) won against the Reserved Army Fun Run Winners
0 Comments
Kudos sa ating Kagawad Edgar D. Eniego na talaga namang napa aktibo pagdating sa kalinisan ng ating kapaligaran.
Matapos ang 2nd Tourism Activities, kaagad na inikot ni Kagawad Eniego ang lugar kung saan idinaos ang nasabing aktibidad para masiguro na walang maiiwang kalat. Mapalad ang ating barangay sa pagkakaroon ng opisyal na tulad niya! Matagumpay na naisagawa ang 2nd Tourism Activities noong Abril 6, 2024. Ito ay kinabibilangan ng iba't ibang aktibidad kabilang na dito ang Clean-Up Drive, Zumba Dance, Fun Run at Beach Volleyball na handog nina Kagawad Rowena Q. Urriquia, Chairman ng Committee on Tourism and Community Affairs at Punong Barangay Julieto "Junjie" Tria Jr. Buong suporta ang ibinigay nina Kagawad Julieta C. Arevalo na siyang Vice Chairman ng Committee on Tourism and Community Affairs, Kagawad Libner B. Vidal, Kagawad Edgar D. Eniego at SK Chairman David Benson P. Valdez. Maraming maraming salamat po kay Congressman Leody "Odie" F. Tarriela na nagsponsor ng mga naging papremyo para sa mga lumahok at nagwagi sa Beach Volleyball at Fun Run gayundin sa iba pang gastusin para sa nasabing 2nd Tourism Activities. Part 1: Zumba DanceProgram ProperFood BreakBeach VolleyballFun Run (Senior, Women and Men's Category)Nagkaroon ng Philippine Identification System (PhilSys) Registration ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa ating San Roque Child Development Center na matatagpuan sa Purok 3. Nakapag rehistro ng may kabuuang apatnaput lima (45) noong Abril 5, 2024.
Nagkaroon ng Philippine Identification System (PhilSys) Registration ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa ating Bagong Silang Child Development Center na matatagpuan sa Purok 6A. Nakapag rehistro ng may kabuuang tatlumput isa (31) noong Abril 4, 2024.
Nagkaroon ng pagpupulong para sa mga nag-aalaga ng baboy malapit sa mga kabahayan o residential area. Ito ay pinangunahan nina Kagawad Julieta C. Arevalo at Kagawad Joselito A. Dinglasan na Committee Chairman ng Health and Social Welfare Services at mga kawani ng Municipal Health Office (MHO).
Ang pag-aalaga ng baboy sa residential area ay ipinagbabawal upang mapanatili ang kalusugan, kaligtasan, at kaginhawaan ng mga residente. Ito ay bahagi ng patakaran sa urban planning at environmental management upang masiguro ang maayos at organisado na pag-unlad ng mga lugar ng tirahan. Ginanap ang 9th Regular Session ng ating mga opisyal noong Abril 1, 2024.
Ang mga napag-usapang agenda para sa nasabing session ay ang mga sumusunod:
Nakatakda ang susunod na session sa darating na Abril 15 2024. Pinulong ni Kagawad Julieta C. Arevalo ang mga Purok Leaders noong Abril 1, 2024 para hingin ang kanilang tulong sa pagbibigay alam sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng sulat imbitasyon sa mga nag-aalaga ng baboy malapit sa mga kabahayan o residential area para sa gagawing pagpupulong kasama ang Municipal Health Office (MHO). Pinaalalahan din niya ang mga Purok Leaders na kaagad ipagbigay alam sa mga naghahakot ng basura kapag may nakita silang nakatambak o hindi nahahakot na basura sa kanilang purok para hindi ito magtambak.
Muling nagkatipon ang mga opisyal at kawani ng ating Barangay para idaos ang flag raising ceremony noong Abril 1, 2024
Ang pagtataas ng watawat, panalangin at pagkumpas ng pambansang awit ay pinangunahan ng ating mga Barangay Justices. Si Secretary Abegail L. Del Valle ang nagsilbing tagapagdaloy ng programa. Nagkaroon ng Gift Giving Activity na isinagawa ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard, Coast Guard District Southern Tagalog at Philippine Coast Guard Auxiliary noong Marso 28, 2024 at sinaksihan ng ating Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. at Kagawad Julieta C. Arevalo.
Ang "Gift Giving Activity" ay isang proyektong pinagsama ng Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) at Coast Guard Auxiliary District Southern Tagalog (CGADSTL) para sa mga mangingisda. Paumanhin po sa mga hindi nabigyan. May dala po silang listahan ng mga benepisyaryo at yun lang po ang kanilang binigyan. |
The EditorThis site is created and maintained by CJ for the barangay. Archives
April 2024
Categories
All
|