Ito ay dinaluhan ng may kabuuang bilang na animnapung (60) partisipante na kinabibilangan ng mga opisyal ng Barangay, Barangay Public and Safety Officers, Barangay Health Workers, Barangay Staffs, Child Development Workers at mga mag-aaral ng Child Development Center gayundin ng kanilang mga magulang.
Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng paghahanda at pagtutulungan ang mga mamamayan, lalo na ang mga taga-barangay, mga paaralan, mga tanggapan, at iba pang sektor ng lipunan, upang maging handa sa kahit anong sakuna o kalamidad na dulot ng lindol.
Ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ay bahagi ng pangkalahatang disaster preparedness at risk reduction efforts ng pamahalaan ng Pilipinas upang mapalakas ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad na dulot ng lindol.