Ang oryentasyon para sa mga bagong halal na opisyal ng barangay ay mahalaga upang matiyak na ang mga bagong opisyal ay handang harapin ang kanilang mga tungkulin, maipatupad ang kanilang mga obligasyon at maging epektibong mga lider sa ating barangay.
Ang Day 1 ng Basic Orientation Course for BNEOs ay dinaluhan nina Kagawad Julieta C. Arevalo, Kagawad Joselito A. Dinglasan, Kagawad Libner B. Vidal, Kagawad Rowena Q. Urriquia, Kagawad Edgar D. Eniego, SK Chairman David Benson P. Valdez, Secretary Abegail L. Del Valle at Treasurer Milagros T. Martin.