Kasama ding dumalo ang mga Barangay Health Workers, Barangay Public Safety Officers, Child Development Workers, Purok Leaders at Barangay Staffs.
Nabigyan ng pagkakataon na magsalita, magpasalamat at magpakilala ang mga bagong halal sa mga kawani ng barangay.
Lahat ng opisyal ay naglalayon na magkaroon ng pagkakaisa, matiwasay na pagsasama at maayos na plano para sa ikagaganda at ikauunlad ng ating barangay.