Ang nasabing oryentasyon ay mahalaga upang mapalakas ang kaalaman, kakayahan, at pamamahala ng mga opisyal ng barangay sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa pamamahala ng pananalapi. Ito ay naglalayong magtaguyod ng mas epektibo at maayos na pamamahala ng pananalapi sa barangay, na maglulunsad ng pag-unlad at kapakanan ng komunidad.
Ito ay dinaluhan nina Kagawad Joselito A. Dinglasan na siyang Committee Chairman ng Finance, Appropriations and Ways and Means, Kagawad Julieta C. Arevalo at Treasurer Millagros T. Martin.