Thank you!
Some photos may not load properly as these photos are uploaded in just a couple of days. You might see photos that may seem wrong or shouldn't be included in the post but don't worry the upload is correct. It might take some time for the update to get integrated into the website.
Thank you!
0 Comments
Muling nagsagawa ng Kalinisan Day ang pamunuan ng Barangay San Roque noong Abril 20, 2024 sa Purok 6B sa pangunguna ni Kagawad Edgar D. Eniego, Committee Chairman ng Natural Resources and Environmental Protection kasama sina Kagawad Joselito A. Dinglasan, SK Chairman David Benson P. Valdez, mga SK Kagawads at mga Kabataan.
Bagama't abala at may inaasikaso si Kagawad Rowena Q. Urriquia siya ay dumaan paraan magpakita ng suporta. 📌Barangay: San Roque 📌Number of Participants: 28 📌Total Number of LGU Officials: 11 Participated: 2 📌Volume of Waste Collected (kGs): more or less __ kgs. 📌Location (Streets): Purok 6B 📌No. of Sacks Collected: __ Sacks #CleanCommunities #KALINISANsaBagongPilipinas Dumalo sina Kagawad Julieta C. Arevalo na siyang Chairman ng Committee on Women, Children and Family, VAWC Rosita A. Gorospe, SK Kagawad Kylie C. Valdez at Secretary Abegail L. Del Valle at sa BCPC Functionality Orientation including Protection of Children Against Trafficking, OSAEC and CEFMU na ginanap sa Magsaysay Hillside Resort, Magsaysay, Occidental Mindoro noong Abril 18-19, 2024.
Ang oryentasyong ito ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan ng mga miyembro ng BCPC at iba pang stakeholders upang maging mas epektibo sa pagprotekta sa mga bata laban sa mga uri ng pang-aabuso at pag-exploit. It ay nagtataguyod ng isang mas ligtas at mapayapang kapaligiran para sa mga bata sa komunidad. Dumalo ang mga opisyal ng Barangay San Roque sa pangunguna ng ating Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. sa Committee Hearing para sa pag-apruba ng Barangay Annual Budget CY 2024 ng ating barangay na nagkakahalaga ng Php 17,727,148.00 na isinagawa ng Committee on Finance, Appropriations, Ways and Means at pinangunahan ng Konsehal ng Bayan, Joel G. Aguilar noong Abril 18, 2024 sa Sangguniang Bayan Session Hall, San Jose, Occidental Mindoro.
Ang proseso ng pagkakaroon ng committee hearing sa Sangguniang Bayan para sa barangay budget ay naglalayong masiguro ang transparency, accountability, at tamang paggamit ng pondo. Ito din ay nagbibigay-daan sa mga konsehal at iba pang opisyal na magtanong, magbigay ng rekomendasyon, at kung kinakailangan, mag-propose ng mga pagbabago sa budget bago ito aprubahan. Kasama ding dumalo sa nasabing Committee Hearing sina Kagawad Julieta C. Arevalo, Kagawad Joselito A. Dinglasan, Kagawad Libner B. Vidal, Kagawad Rowena Q. Urriquia, SK Chairman David Benson P. Valdez at Treasurer Milagros T. Martin. Dumalo sina Kagawad Julieta C. Arevalo na siyang Chairman ng Committee on Women, Children and Family, VAWC Rosita A. Gorospe, SK Kagawad Kylie C. Valdez at Secretary Abegail L. Del Valle sa BCPC Functionality Orientation including Protection of Children Against Trafficking, OSAEC and CEFMU na ginanap sa Magsaysay Hillside Resort, Magsaysay, Occidental Mindoro noong Abril 18-19, 2024.
Ang oryentasyong ito ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan ng mga miyembro ng BCPC at iba pang stakeholders upang maging mas epektibo sa pagprotekta sa mga bata laban sa mga uri ng pang-aabuso at pag-exploit. Ito ay nagtataguyod ng isang mas ligtas at mapayapang kapaligiran para sa mga bata sa komunidad. Bumisita si Ain Niqyla S. Abad noong Abril 17, 2024 isa sa opisyal na kandidata ng Bb. San Jose 2024 para sa isang courtesy call sa ating Punong Barangy Julieto "Junjie" D. Tria Jr. at mga opisyal ng barangay na sina Kagawad Julieta C. Arevalo, Kagawad Joselito A. DInglasan, Kagawad Libner B. Vidal, Kagawad Edgar D. Eniego at SK Chairman David Benson P. Valdez. Bumisita din siya sa ating Barangay Health Station para magpakilala sa ating mga Barangay Health Workers.
Ang courtesy call ay isang paraan upang magpakita ng paggalang, ipakilala ang sarili, at humiling ng suporta mula sa lokal na pamahalaan at komunidad. Si Binibining Abad ay residente ng ating Barangay kaya suportahan po natin siya sa kaniyang laban. Please react love on her photo https://www.facebook.com/photo/?fbid=825776922918074&set=pcb.825777892917977 Nakiisa ang pamunuan ng Barangay San Roque sa Lakbay San Jose 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pistang Parangal kay Patrong San Jose, ang Manggagawa na ginanap sa San Roque Chapel noong Abril 16, 2024 ganap na alas kuwatro ng hapon.
Ang banal na misa ay pinangunahan ni Rev. Father Arnel T. Belamide. Dumalo sa misa sina Kagawad Julieta C. Arevalo, Kagawad Joselito A. Dinglasan at Kagawad Libner B. Vidal gayundin ang mga Barangay Public and Safety Officers (BPSO), Barangay Health Workers at Barangay Staffs. Nagkaroon ng Philippine Identification System (PhilSys) Registration ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa ating San Roque Extension Child Development Center na matatagpuan sa Purok 6 noong Abril 16, 2024 at nakapag rehistro ng may kabuuang animnapu (60).
Ang Philippine Identification System o PhilSys ay isang National ID system na may layuning magkaroon ng isang tama at epektibong paraan ng pagkakakilanlan ang bawat mamamayan. Ang PSA o Philippine Statistics Authority ang ahensiyang responsable sa implementasyong ng PhilSys. Ang pagpaparehistro ng mga bata sa Child Development Centers sa ilalim ng PhilSys ay bahagi ng pagpapalawak ng coverage ng sistemang ito. Sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa mga Child Development Centers, mas mapapadali ang proseso ng pagkuha ng mga impormasyon at biometrics ng mga bata para sa kanilang PhilSys ID. Ang mga Child Development Centers ay napili bilang isang lugar ng pagpaparehistro dahil karaniwan silang dinadalaw ng mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata. Ito ay maaaring magbigay ng mas maraming pagkakataon para sa mga pamilya na magparehistro sa PhilSys habang nag-aalaga ng kanilang mga anak sa nasabing mga lugar. Bukod dito, ang proseso ng pagpaparehistro sa mga child development centers ay maaaring makatulong sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa PhilSys at sa kahalagahan nito sa pagiging organisado at epektibo ng mga dokumento ng bawat indibidwal. 📸 Ma'am Aline Ginanap ang 10 th Regular Session ng ating mga opisyal noong Abril 15, 2024.
Ang mga napag-usapang agenda para sa nasabing session ay ang mga sumusunod:
Nag-ulat din ang ating Ingat Yaman, Milagros T. Martin ng mga naging transaksiyon para sa buwan ng Marso, 2024 kabilang na dito ang mga disbursements (check issued) at mga naging collections at deposits (Af-51/CTC) Binigyan din ng kopya ng Statement of Accounts (SOA) ang lahat ng opisyal. Nakatakda ang susunod na session sa darating na Mayo 6, 2024. Muling nagkatipon ang mga opisyal at kawani ng ating Barangay para idaos ang flag raising ceremony noong Abril 15, 2024.
Ang pagtataas ng watawat, panalangin at pagkumpas ng pambansang awit ay pinangunahan ng ating mga Barangay Public and Safety Officers (BPSO). |
The EditorThis site is created and maintained by CJ for the barangay. Archives
April 2024
Categories
All
|