Thank you!
Some photos may not load properly as these photos are uploaded in just a couple of days. You might see photos that may seem wrong or shouldn't be included in the post but don't worry the upload is correct. It might take some time for the update to get integrated into the website.
Thank you!
0 Comments
Magkakasabay na nagsagawa ng Pabasa sa Nutrisyon ang ating 3 Child Development Centers sa ating Barangay Covered Court noong Abril 25, 2024. Kabilang dito ang San Roque CDC na matatagpuan sa Purok 3 ni Ma'am Lara Melissa P. Faller, San Roque Extension CDC na matatagpuan sa Purok 6 ni Ma'am Aline C. Asuncion at Bagong Silang CDC na matatagpuan naman sa Purok 6A ni Ma'am Jennifer A. Malicse
Ang pagsasagawa ng Pabasa sa Nutrisyon ng ating mga Child Development Centers ay bahagi ng pagdiriwang ng National Children's Month. Ito ay isang mahusay na hakbang upang magbigay ng pansin sa kahalagahan ng tamang nutrisyon sa pag-unlad at pagpapalaki ng mga bata. Ang ating 3 Child Development Centers ay may mahalagang papel sa pagpapalakas ng tamang nutrisyon sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng balanse at masusustansyang pagkain, pagtuturo ng tamang kaalaman sa nutrisyon at pagpapatupad ng mga patakaran para sa malusog na pamumuhay, maaaring magkaroon ng positibong epekto sa kalusugan at pag-unlad ng mga batang ito. Naging katuwang ng ating mga Child Development Workers ang ating Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers sa pagsasagawa ng Pabasa sa Nutrisyon. Nagkaloob ng Certificate of Completion sa mga magulang na nakiisa sa nasabing aktibidad. Ito ay sinasikhan ni Kagawad Joselito A. Dinglasan na Committee Chairman ng Health and Social Welfare Services. Ginanap noong Abril 25, 2024 ang PWD Birthday Gift Payout para sa 1st Quarter ng taong 2024 (Enero-Marso).
May kabuuang apatnapu't walong (48) benepisyaryong Person With Disabilities ang nakatanggap nito. Maraming salamat po sa mga kawani ng MSWDO at Municipal Treasurer's Office na nagsagawa ng payout. Bumisita sa ating barangay sina Ms. Linda Otto, German National Office Staff and Ms. Ovynania Javier, Project Manager ng Plan International Pilipinas para pulungin ang mga miyembro ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) ng ating barangay.
Bahagi ng pagbisitang ito ay para mapalawak ang adhikain. ng Plan International na magbigay ng proteksiyon, oportunidad at pag-unlad para sa mga batang kababaihan at mga pamilya ng komunidad. Ito ay naglalayong palakasin ang kapasidad ng lokal na pamayanan na manguna sa pagpapabuti ng kalagayan ng kanilang mga miyembro, lalo na ng mga mahihina at mapanganib na sektor tulad ng mga bata at kababaihan. Dumalo sina Kagawad Julieta C. Arevalo na Committee Chairman ng Women, Children and Family, Kagawad Joselito A. Dinglasan, VAWC Rosita A. Gorospe, SK Chairman David Benson P. Valdez at mga representative ng iba't ibang sektor tulad ng edukasyon at kalusugan. Nagkaloob ng 1 Desktop Computer Set with Printer ang pamunuan ng Barangay San Roque sa ating Barangay Health Station upang magamit ng ating Barangay Health Workers sa pag-aayos at pagpapanatili ng kaayusan ng rekord ng pasyente gayundin sa pagtatala ng mga konsultasyon, pag-aaral ng medikal na kasaysayan ng pasyente at pag-update ng kanilang impormasyon. Ito dn ay upang magawa nila sa takdang oras ang mga opisyal at iba pang dokumento na kinakailangan para sa kanilang trabaho.
Ang kabilang sa nasabing Desktop Computer Set ay ang mga sumusunod:
Ang pondo para dito ay kinuha sa ating Capital Outlay. Ito ay personal na tinanggap ng ating midwife na si Shela R. Alvaro. Sa pamamagitan ng mga kagamitang ito, mas maging epektibo at maasahan ang serbisyo ng ating mga BHW sa ating Barangay Health Station na naglalayong mapabuti ang kalusugan at kalagayan ng komunidad. Nagbigay ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng Php1,500.00 noong Abril 23, 2024 ang pamunuan ng Barangay San Roque sa pangunguna ng ating Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. kay Jeannine Dawn P. Reyes (Binibini #8), residente ng ating barangay at isa sa opisyal na kandidata ng Bb. San Jose 2024.
Suportahan po natin siya sa pamamagitan ng pagreact sa kaniyang larawan ng "Love" o heart sa link na ito 👇 https://www.facebook.com/photo/?fbid=825777326251367&set=pcb.825777892917977 Gayundin ng panonood ng kaniyang Fun Fact and Advocacy Video hanggang 6:00PM ng Abril 30, 2024 (Martes) upang makuha niya ang Ms. Multimedia Award na isa sa Special Awards ng nasabing patimpalak. 👇 https://fb.watch/rIkOl9Nc4U/ Nagbigay ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng Php1,500.00 noong Abril 23, 2024 ang pamunuan ng Barangay San Roque sa pangunguna ng ating Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. kay Ronald Allan Gaudiel para sa mga kabarangay nating ALS Completers na may kabuuang bilang na siyam (9). Ito ay sinaksihan nina Kagawad Julieta C. Areavalo at Kagawad Rowena Q. Urriquia.
Ang "ALS Completers" ay mga indibidwal na nakatapos ng programa ng Alternative Learning System (ALS). Ang ALS ay isang programa ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na naglalayong magbigay ng edukasyon sa mga out-of-school youth, mga may edad na hindi na pumapasok sa paaralan at iba pang mga indibidwal na hindi nakakakuha ng formal na edukasyon sa tradisyunal na paraan. Ang mga ALS Completers ay mga mag-aaral na nakumpleto ang mga kinakailangang kurso at pagsusulit ng ALS, na nagpapakita ng kanilang kakayahan at kasanayan sa iba't ibang larangan tulad ng pagbasa, pagsusulat at pangunahing aritmetika. Matapos makumpleto ang programa, maaari silang magkaroon ng pagkakataon na kumuha ng ALS Accreditation and Equivalency (A&E) Test, na nagbibigay-daan sa kanila na makamit ang katumbas na antas ng edukasyon sa formal na sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ang ALS ay isang mahalagang programa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga indibidwal na may mga limitasyon sa pag-access sa tradisyunal na paaralan na makakuha ng edukasyon at magkaroon ng mga oportunidad sa buhay. Sa pamamagitan ng ALS, maraming kabataan at matatanda ang nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kaalaman at kasanayan upang mapaunlad ang kanilang sarili at maging produktibong miyembro ng lipunan. Muling nagsagawa ng Kalinisan Day ang pamunuan ng Barangay San Roque noong Abril 20, 2024 sa Purok 6B sa pangunguna ni Kagawad Edgar D. Eniego, Committee Chairman ng Natural Resources and Environmental Protection kasama sina Kagawad Joselito A. Dinglasan, SK Chairman David Benson P. Valdez, mga SK Kagawads at mga Kabataan.
Bagama't abala at may inaasikaso si Kagawad Rowena Q. Urriquia siya ay dumaan paraan magpakita ng suporta. 📌Barangay: San Roque 📌Number of Participants: 28 📌Total Number of LGU Officials: 11 Participated: 2 📌Volume of Waste Collected (kGs): more or less __ kgs. 📌Location (Streets): Purok 6B 📌No. of Sacks Collected: __ Sacks #CleanCommunities #KALINISANsaBagongPilipinas Dumalo sina Kagawad Julieta C. Arevalo na siyang Chairman ng Committee on Women, Children and Family, VAWC Rosita A. Gorospe, SK Kagawad Kylie C. Valdez at Secretary Abegail L. Del Valle at sa BCPC Functionality Orientation including Protection of Children Against Trafficking, OSAEC and CEFMU na ginanap sa Magsaysay Hillside Resort, Magsaysay, Occidental Mindoro noong Abril 18-19, 2024.
Ang oryentasyong ito ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan ng mga miyembro ng BCPC at iba pang stakeholders upang maging mas epektibo sa pagprotekta sa mga bata laban sa mga uri ng pang-aabuso at pag-exploit. It ay nagtataguyod ng isang mas ligtas at mapayapang kapaligiran para sa mga bata sa komunidad. Personal na nagkaloob ng 1 solar light sina Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. at Kagawad Rowena Q. Urriquia bilang tugon sa hiling ni Ginang Jenalyn Insigne-Tejoso Antonio. Madilim at wala pang street lights sa Flores Street, Purok 6A. Nakaplano na din ang paglilinya ng street lights para dito.
|
The EditorThis site is created and maintained by CJ for the barangay. Archives
April 2024
Categories
All
|