Bahagi ng pagbisitang ito ay para mapalawak ang adhikain. ng Plan International na magbigay ng proteksiyon, oportunidad at pag-unlad para sa mga batang kababaihan at mga pamilya ng komunidad. Ito ay naglalayong palakasin ang kapasidad ng lokal na pamayanan na manguna sa pagpapabuti ng kalagayan ng kanilang mga miyembro, lalo na ng mga mahihina at mapanganib na sektor tulad ng mga bata at kababaihan.
Dumalo sina Kagawad Julieta C. Arevalo na Committee Chairman ng Women, Children and Family, Kagawad Joselito A. Dinglasan, VAWC Rosita A. Gorospe, SK Chairman David Benson P. Valdez at mga representative ng iba't ibang sektor tulad ng edukasyon at kalusugan.