Ang pagpupulong para sa Barangay Council for the Protection of Children ay mahalaga upang mapalakas ang pagtugon ng barangay sa mga pangangailangan ng mga bata at kabataan. Ito ay nagbibigay daan sa pagpaplano, koordinasyon, pagsusuri, at pakikilahok ng komunidad sa mga hakbang na kinakailangan upang mapanatili at palakasin ang karapatan at kapakanan ng mga bata.
Ito ay pinangunahan ni Kagawad Julieta C. Arevalo na siyang Committee Chairman ng Women, Children and Family. Kasama ding dumalo sina Kagawad Joselito A. Dinglasan, VAWC Rosita A. Gorospe, Chief BPSO Reden L. Briones, Child Development Worker Jennifer A. Malicse at mga Barangay Health Workers.