May kabuuang animnapu't pito (67) na Senior Citizens ang nakatanggap nito.
Maraming salamat po sa mga kawani ng PSWDO na nagsagawa ng payout.
This section is where you'll see pictures of events, activities and projects of Barangay San Roque.
Isinagawa noong Disyembre 29, 2023 ang Senior Citizen's Milestone Payout para sa mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre at Oktubre hanggang Disyembre taong kasalukuyan (2023)
May kabuuang animnapu't pito (67) na Senior Citizens ang nakatanggap nito. Maraming salamat po sa mga kawani ng PSWDO na nagsagawa ng payout.
0 Comments
Nagkaroon ng pagpupulong ang ating mga opisyal at BCPC members noong Disyembre 19, 2023.
Ang Plan International Pilipinas at Plan German National Office ay nagpapatupad ng Casting a Wider Net: System Approach for Reintegration and Support of Child Abuse Survivor in the Philippines (CAAT2) Project. Ang proyektong ito ay naglalayong palakasin ang proteksyon, pagbawi at muling pagsasama-sama ng mga may tungkulin sa pagtugon sa pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata at kabataan mula sa child at youth trafficking at ang maaga at puwersahang pag-aasawa at pagsasama. Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan nina Manilyn U. Salazar, Project Officer ng PLAN International Pilipinas at Jessica Villar ng DSWD. Ito ay dinaluhan ng ating Kapitan Julieto D. Tria Jr., Kagawad Julieta C. Arevalo, Kagawad Joey A. Dinglasan, Kagawad Rowena Q. Urriquia, SK Chairman David Benson P. Valdez, Barangay Secretary Abegail L. Del Valle at VAWC Rosita A. Gorospe. Maraming salamat sa ating mapagkalingang Kagawad Rowena Q. Urriquia na nag donate ng Water Dispenser para sa ating Barangay Health Station.
Ito ay tinanggap ng ating Midwife, Shela R. Alvaro at San Roque BHW president Rea Antoy noong Disyembre 18, 2023 #mapagkalingangkagawad Ginanap ang 2nd Regular Session noong Disyembre 18, 2023.
Napagkasunduan ng mga opisyal na ganapin ang kanilang Regular Session tuwing una at ikatlong Lunes ng buwan. Isa sa naging agenda ang pagtalakay at pagsasapinal ng Budget para sa taong 2024. Napag usapan din ang Internal Rules and Procedures at pagtatalaga ng mga lugar kung saan lang maaaring magpaputok. Muling nagkatipon ang mga opisyal at kawani ng ating Barangay para idaos ang lingguhang flag raising ceremony noong Disyembre 18, 2023.
Ngayong linggo ang nakatalaga sa panalangin at pagkumpas ng pambansang awit ay mga BHW. Nagbahagi naman ng salita ng Diyos si Pastor Danny Del Valle. Ipinabatid din ang gaganaping Baranggayan sa Kalusugan at Kabuhayan sa Disyembre 20, 2023 araw ng Miyerkules. Muling nagkatipon ang mga opisyal at kawani ng ating Barangay para idaos ang lingguhang flag raising ceremony noong Disyembre 11, 2023.
Ang panalangin ay pinangunahan ng ating bisita na si Pastor Perlito F. Ballestramon. Siya din ay nagbahagi ng salita ng Diyos. Ang pambansang awit ay kinumpasan ni Ma'am Aline C. Asuncion samantalang ang panunumpa sa watawat ng Pilipinas ay pinangunahan naman ni Ma'am Jennifer A. Malicse. Nabigyan din ng pagkakataon na magpakilala ang mga bagong talagang Purok Leaders. Isinagawa ang kauna-unahang Flag Raising Ceremony kasama ang mga bagong halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan noong Disyembre 4, 2023. Kasama ding dumalo ang mga Barangay Health Workers, Barangay Public Safety Officers, Child Development Workers, Purok Leaders at Barangay Staffs. Nabigyan ng pagkakataon na magsalita, magpasalamat at magpakilala ang mga bagong halal sa mga kawani ng barangay. Lahat ng opisyal ay naglalayon na magkaroon ng pagkakaisa, matiwasay na pagsasama at maayos na plano para sa ikagaganda at ikauunlad ng ating barangay. Sangguniang Barangay and Sangguniang KabataanSangguniang BarangaySangguniang KabataanGinanap ang 1st Regular Session ng mga bagong halal na opisyal noong nakaraang Disyembre 1, 2023.
Isa sa kanilang pinag usapan ang pagtatalaga ng hahawak sa iba't ibang komite. Ang pagpili ng hahawak bilang Chairman at Vice Chairman nito ay idinaan sa botohan para masigurong ito ay magiging patas at mabigyan lahat ng pagkakataon. Narito po ang naging resulta ng kanilang botohan para sa pagiging Chairman ng bawat Komite:
Committee on Women, Children and Family
Committee on Health and Social Welfare Services Committee on Rules, Ethics and Privileges
Committee on Agriculture and Food
Committee on Public Utilities, Transportation and Facilities Committee on Games and Amusements
Committee on Cooperatives and Livelihood
Committee on Housing and Land Utilization
Committee on Senior Citizen and PWD
Kasabay din nito ang pagpirma sa resolusyon ng pagtatalaga kina Binibining Abegail L. Del Valle bilang Kalihim (Secretary) at Ginang Milagros T. Martin bilang Ingat Yaman (Treasurer) ng barangay. Nakatanggap noong Disyembre 1, 2023 ang ating mga Senior Citizen pensioners ng kanilang Social Pension na nagkakahalaga ng tatlong libong piso (P 3,000.00) para sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre, 2023.
Php500 kada buwan ang natatanggap ng mga social pensioner sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens Program ng DSWD. Maraming salamat sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Office of Senior Citizens Affair (OSCA) at Municipal Treasurer's Office (MTO) na magkakatuwang na nagsagawa ng nasabing payout. |
The EditorThis site is created and maintained by CJ for the barangay. Archives
April 2024
Categories
All
|