Ang oryentasyon ay para ipaliwanag sa mga manlalaro, mentors and coaches ang mga patakaran ng liga, tulad ng mga batas sa laro, mga regulasyon sa liga, at iba pang mga alituntunin. Sa pamamagitan nito, ang lahat ng mga kalahok ay magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa mga inaasahang pamantayan at aspeto ng pag-uugali sa loob at labas ng laro.
Ito ay pinangunahan ni SK Chairman David Benson P. Valdez at buong makasuporta naman sina Kagawad Edgar D. Eniego, Kagawad Rowena Q. Urriquia at Punong Barangay Julieto "Junjie" Tria Jr.
Dumalo din sa oryentasyon ang Tournament Director na si Eric Tendido at mga Purok Leaders na magiging katuwang sa nasabing Inter Purok Summer Basketball. League.
Si SK Kagawad Kylie C. Valdez ang nagsilbing tagapagdaloy ng programa.