Ito ay nilahukan ng iba't ibang grupo ng Riders na nagmula sa iba't ibang lugar sa buong Pilipinas.
Ang mga naging ruta ng naturang Adventour ay ang mga lugar at kilalang destinasyon sa lalawigan ng Oriental at Occidental Mindoro kabilang na dito ang Mindoro Landing Monument na matatagpuan sa ating Barangay.
Ang mga naturang lugar ang nagsilbing checkpoint na sandaling titigilan ng riders upang icheck ang kondisyon ng kanilang motor.
Aktibong nakiisa si Kagawad Rowena Q. Urriquia bilang Chairman ng Committee on Tourism and Community Affairs gayundin sina Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. at Kagawad Edgar D. Eniego.
Maraming salamat sa ating mga BPSO na kabilang sa mga tumulong para masiguro ang kaligtasan at seguridad para sa buong aktibidad.