Ang welcome landmark ay may mahalagang papel sa pagtanggap at pagpapakilala sa isang lugar sa mga bisita at lokal na residente.
Layon ng pagkakaroon nito ay maging pang akit sa Turismo. Ang maganda at maayos na welcome landmark ay maaaring maging isang pangunahing atraksyon at pagkakaroon ng potensiyal na maging isang destinasyon para sa mga larawang pang Turismo, pagpapahayag ng pangunahing halaga o mensahe ng isang lugar at pagpapaalala sa mga bisita ng kanilang karanasan sa pag bisita sa ating barangay.
Ito ay planong ilagay sa may Bay Walk ng Aroma Beach, tapat ng gate ng San Jose Airport.
Dahil may mga prayoridad na mga proyekto ang barangay, ang pondo para dito ay hindi kukunin sa pondo ng ating barangay. Para ito ay maisakatuparan ito ay pagtutulungan nina Kagawad Urriquia at Kagawad Eniego gayundin ng mga magiging sponsors ng nasabing welcome landmark.
Ang Proposed San Roque Aroma Beach-Airport Welcome Landmark ay idinesenyo ng ating Kagawad Engineer Edgar D. Eniego.