Sa ngayon ay hindi pa ito araw araw nakakapaghakot sa kadahilanang hindi pa aprubado ang ating 2024 Budget kaya ang gasolina at sweldo para sa driver/maghahakot ng basura ay sagot na din muna ng ating Kagawad Eniego na siya ding Chairman ng Committee on Natural Resources and Environmental Protection.
Ang prayoridad nitong ruta ay ang mga Purok na hindi naiikutan at nahahakutan o di kaya ay mga Purok na hindi natatapos hakutan dahil puno na at di nababalikan dahil may nakaiskeydul ng ruta kinabukasan ang chariot ng Barangay at truck ng MENRO.
Ito ay malaking tulong upang hindi dumami ang tambak ng mga basurang hindi nahahakot.
Pakiusap lang din po na isako po niyo ang inyong mga basura upang maging maayos at mabilis ang pagkolekta nito.
#SerbisyongMasipagProject