Para masolusyunan ang problema ng pagtatambak at hindi tamang pagtatapon ng basura sa Purok 6B, gilid ng airport sa dulo malapit sa Bubog, pinalagyan ito ng CCTV camera ni Kagawad Eniego noong Pebrero 18, 2024.
Ito ay bahagi ng Serbisyong Masipag Project nina Kagawad Engineer Edgar D. Eniego, Chairman ng Committee Natural Resources and Environmental Protection at Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr.
Ito ay mula sa sarili nilang bulsa dahil wala pang budget ang barangay para mabantayan ang nasabing lugar.
Ang lugar na ito ay madalas na iniuulat sa barangay tuwing may panibagong tambak na naman ng basura. Kahit maraming beses na itong nilinis ng barangay at nilagyan pa ng karatulang "Bawal Magtapon ng Basura Dito" ay patuloy pa din itong nauulit. Walang masyadong bahay malapit dito maliban sa bahay ni Dr. Ces Baron. Maraming salamat po sa pagbibigay pahintulot na sa inyong tahanan ilagay ang monitor at recorder.
Ang disiplina sa pagtatapon ng basura ay isang mahalagang aspeto ng pangangalaga ng kalikasan at pagmamahal sa kapaligiran.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura, hindi lamang natin mapapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran kundi maaari din nating maprotektahan ang ating kalusugan at ang kalikasan para sa hinahanap na henerasyon.
Sa kabuuan, ang pagkakaroon ng CCTV camera dito ay may positibong epekto dahil sa ngayon ay wala ng nagtatapon ng basura sa lugar na ito.
#SerbisyongMasipagProject