Aarangkada na ang topdown San Roque Garbage Collector ni Kagawad Engineer Edgar D. Eniego bukas, Marso 4, 2024 (Lunes).
Dahil batid ng ating Kagawad Eniego na ang dumadaming basura ang isa sa ating malaking kinakaharap na suliranin sa ating barangay minarapat niya na ipagamit muna ang kaniyang sasakyang topdown para magkaroon ng karagdagang sasakyang maghahakot ng ating mga basura.
Layon nito na mapalawak ang serbisyo, mapabilis ang koleksyon, matugunan ang pagtaas ng dami ng basura at pagpapabuti sa kalusugan at kapaligiran.
Ang gasolina at sweldo sa maghahakot ng basura na lamang ang sasagutin ng barangay.
Marami pang mga susunod na hakbang ang ating Kagawad Eniego na siyang Chairman ng Committee on Natural Resources and Environmental Protection para sa ikaaayos at ikagaganda ng kapaligiran ng ating Barangay.