Nagbigay ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng Isang Libong Piso (Php1,000.00) noong Abril 23, 2024 ang pamunuan ng Barangay San Roque sa pangunguna ng ating Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. kay Ronald Allan Gaudiel para sa mga kabarangay nating ALS Completers na may kabuuang bilang na siyam (9). Ito ay sinaksihan nina Kagawad Julieta C. Areavalo na nagbigay ng karagdagang Limang Daang PIso (Php 500.00) at Kagawad Rowena Q. Urriquia.
Ang "ALS Completers" ay mga indibidwal na nakatapos ng programa ng Alternative Learning System (ALS). Ang ALS ay isang programa ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na naglalayong magbigay ng edukasyon sa mga out-of-school youth, mga may edad na hindi na pumapasok sa paaralan at iba pang mga indibidwal na hindi nakakakuha ng formal na edukasyon sa tradisyunal na paraan. Ang mga ALS Completers ay mga mag-aaral na nakumpleto ang mga kinakailangang kurso at pagsusulit ng ALS, na nagpapakita ng kanilang kakayahan at kasanayan sa iba't ibang larangan tulad ng pagbasa, pagsusulat at pangunahing aritmetika. Matapos makumpleto ang programa, maaari silang magkaroon ng pagkakataon na kumuha ng ALS Accreditation and Equivalency (A&E) Test, na nagbibigay-daan sa kanila na makamit ang katumbas na antas ng edukasyon sa formal na sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ang ALS ay isang mahalagang programa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga indibidwal na may mga limitasyon sa pag-access sa tradisyunal na paaralan na makakuha ng edukasyon at magkaroon ng mga oportunidad sa buhay. Sa pamamagitan ng ALS, maraming kabataan at matatanda ang nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kaalaman at kasanayan upang mapaunlad ang kanilang sarili at maging produktibong miyembro ng lipunan. Dahil batid ng pamunuan ng Barangay San Roque na ang pagadating ng ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay magdadala ng malaking bilang ng mga tao at sasakyan na magdudulot ng congestion, buong pwersang itinalaga ang ating mga Barangay Public and Safety Officers (BPSO) sa pangunguna ng ating Chief BPSO Reden L. Briones upang tumulong sa pagpapanatili ang maayos na daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pag-coordinate ng trapiko, pagbibigay ng seguridad upang maiwasan ang anumang problema kaugnay ng trapiko at pagbabantay sa mga kalsadang dadaanan (Airport Road hanggang Pandurucan Bridge).
Layon ng pagbisita ng Pangulo sa ating bayan ay upang personal na makita ang mga natuyong sakahan, makaugnayan ang mga magsasaka at makapagpaabot ng agarang ayuda. Muling nagsagawa ng Kalinisan Day ang pamunuan ng Barangay San Roque noong Abril 20, 2024 sa Purok 6B sa pangunguna ni Kagawad Edgar D. Eniego, Committee Chairman ng Natural Resources and Environmental Protection kasama sina Kagawad Joselito A. Dinglasan, SK Chairman David Benson P. Valdez, mga SK Kagawads at mga Kabataan.
Bagama't abala at may inaasikaso si Kagawad Rowena Q. Urriquia siya ay dumaan paraan magpakita ng suporta. 📌Barangay: San Roque 📌Number of Participants: 28 📌Total Number of LGU Officials: 11 Participated: 2 📌Volume of Waste Collected (kGs): more or less __ kgs. 📌Location (Streets): Purok 6B 📌No. of Sacks Collected: __ Sacks #CleanCommunities #KALINISANsaBagongPilipinas Nagkaloob ng 1 Huawei D15 Laptop Set na may kasamang mouse at laptop bag ang pamunuan ng Barangay San Roque sa ating Barangay Secretary bilang tugon sa kaniyang hiling sapagkat ang dating laptop na gamit nya mula sa nakaraang adminstrasyon ay mabagal at nagloloko na.
Ang pondo para dito ay kinuha sa ating Capital Outlay. Ito ay personal na tinanggap ng ating Barangay Secretary, Abegail L. Del Valle. Ang isang maayos na laptop ay isang mahalagang kagamitan para sa Barangay Secretary upang mapadali at mapabilis ang kaniyang tungkulin pati na rin ang mapanatili ang kaayusan at kasiguraduhan ng pagproseso ng mga dokumento na kailangan sa barangay at mga reports na kailangang ipasa sa DILG. Dumalo sina Kagawad Julieta C. Arevalo na siyang Chairman ng Committee on Women, Children and Family, VAWC Rosita A. Gorospe, SK Kagawad Kylie C. Valdez at Secretary Abegail L. Del Valle at sa BCPC Functionality Orientation including Protection of Children Against Trafficking, OSAEC and CEFMU na ginanap sa Magsaysay Hillside Resort, Magsaysay, Occidental Mindoro noong Abril 18-19, 2024.
Ang oryentasyong ito ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan ng mga miyembro ng BCPC at iba pang stakeholders upang maging mas epektibo sa pagprotekta sa mga bata laban sa mga uri ng pang-aabuso at pag-exploit. It ay nagtataguyod ng isang mas ligtas at mapayapang kapaligiran para sa mga bata sa komunidad. Personal na nagkaloob ng 1 solar light sina Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. at Kagawad Rowena Q. Urriquia bilang tugon sa hiling ni Jenalyn Insigne-Tejoso Antonio. Madilim para sa Flores Street, Purok 6A dahil madilim at wala pang linya ng street lights dito.
Dumalo ang mga opisyal ng Barangay San Roque sa pangunguna ng ating Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. sa Committee Hearing para sa pag-apruba ng Barangay Annual Budget CY 2024 ng ating barangay na nagkakahalaga ng Php 17,727,148.00 na isinagawa ng Committee on Finance, Appropriations, Ways and Means at pinangunahan ng Konsehal ng Bayan, Joel G. Aguilar noong Abril 18, 2024 sa Sangguniang Bayan Session Hall, San Jose, Occidental Mindoro.
Ang proseso ng pagkakaroon ng committee hearing sa Sangguniang Bayan para sa barangay budget ay naglalayong masiguro ang transparency, accountability, at tamang paggamit ng pondo. Ito din ay nagbibigay-daan sa mga konsehal at iba pang opisyal na magtanong, magbigay ng rekomendasyon, at kung kinakailangan, mag-propose ng mga pagbabago sa budget bago ito aprubahan. Kasama ding dumalo sa nasabing Committee Hearing sina Kagawad Julieta C. Arevalo, Kagawad Joselito A. Dinglasan, Kagawad Libner B. Vidal, Kagawad Rowena Q. Urriquia, SK Chairman David Benson P. Valdez at Treasurer Milagros T. Martin. Dumalo sina Kagawad Julieta C. Arevalo na siyang Chairman ng Committee on Women, Children and Family, VAWC Rosita A. Gorospe, SK Kagawad Kylie C. Valdez at Secretary Abegail L. Del Valle sa BCPC Functionality Orientation including Protection of Children Against Trafficking, OSAEC and CEFMU na ginanap sa Magsaysay Hillside Resort, Magsaysay, Occidental Mindoro noong Abril 18-19, 2024.
Ang oryentasyong ito ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan ng mga miyembro ng BCPC at iba pang stakeholders upang maging mas epektibo sa pagprotekta sa mga bata laban sa mga uri ng pang-aabuso at pag-exploit. Ito ay nagtataguyod ng isang mas ligtas at mapayapang kapaligiran para sa mga bata sa komunidad. Nagkaroon ng pagpupulong sa pangunguna ni Kagawad Julieta C. Arevalo, Committee Chairman ng Public Works and Infrastructure Development ang may-ari ng mga bahay na maaapektuhan ng gagawing drainage canal sa Purok 4 at ang mga engineer ng Municipal Engineering Office (MEO) upang mapag-usapan at maintindihan ng lahat ang mga plano at epekto ng proyektong ito.
Ipinaliwanag ng mga opisyal ng barangay at mga taga MEO ang layunin ng drainage canal, ang mga benepisyo niito at ang mga posibleng epekto sa mga apektadong bahay. Ito ay para masigurong maipaliwanag ng maayos ang layunin ng proyekto, mabigyan ng boses ang mga apektadong residente at makahanap ng mga solusyon sa mga posibleng suliranin at alalahanin dulot nito. |
The EditorThis site is created and maintained by CJ for the barangay. Archives
May 2024
Categories
All
|