Ito ay mula sa inisyatiba ng ating Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SK Chairman David Benson P. Valdez na siyang Chairman ng Committee on Youth and Sports and Development katuwang sa pag-organisa at siya ding nagsilbing major sponsor, na si Kagawad Edgar "Aquamangyan" D. Eniego.
Dahil batid ni Kapitan Julieto "Junjie" Tria Jr. na ang Chess Tournament ay isang mahalagang bahagi ng pagpapalakas ng kasanayan at kaisipan sa larong chess ay buong suporta ang ibinigay niya sa Chess Tournament nina Kagawad Eniego at SK Chairman Valdez.
Ang Inter Purok Chess Tournament ay naging posible sa pakikipagtulungan sa Occidental Mindoro Chess Academy (OMCA). Nagpapasalamat po kami kina Ginoong Renato Gatuz, pangulo ng Occidental Mindoro Chess Academy (OMCA) at Ginoong Mc Queen Albarracin na nagsilbing arbiter at tagapangasiwa ng ginanap na Chess Tournament.
Nagagalak ang pamunuan ng Barangay na nakapagbigay ng isang platform para mabigyan ng pagkakataon ang mga manlalaro na patunayan ang kanilang kakayahan, mapabuti ang kanilang laro, at magtagumpay sa larangan ng chess. Congratulations po sa mga nanalo!
Si SK Kagawad Kylie C. Valdez ang nagsilbing tagapagdaloy ng programa.
Lubos po kaming nagpapasalamat kina Congressman Odie F. Tarriela sa pag sponsor ng karagdagang papremyo para sa mga nanalong kalahok ng nasabing Chess Tournament gayundin kay Kagawad Rowena Q. Urriquia na nag sponsor para sa Top Female Junior prize at Ginoong Jhong Llubit para sa facilitation fee ng OMCA.