Ang mga naging agenda para sa nasabing session ay ang mga sumusunod:
- Update on the 2024 Annual Budget
- Duties and Responsibilities of Barangay Administrator
- Duties and responsibilities of Barangay Secretary
- Resolution interposing no objection in the operation of JMG Food Products in Purok 6B owned by Jolina G. Gutierrez
- Repair of drainage Canals
- Punctuality at work, workplace decorum and office etiquette
Nag-ulat din ang ating Ingat Yaman, Milagros T. Martin tungkol sa summary at breakdown ng mga naging transaksyion para sa Disyembre 2023 kabilang na dito ang mga disbursements at deposits.
Bumisita ang San Jose Municipal Police Station sa pangunguna ni PSSg Jaynor O. Tefora para sa kanilang Anti Illegal Drugs Campaign at paalalahan ang barangay na kailangang aktibo ang mga miyembro ng Barangay Anti Drug Abuse Council (BADAC) at merong nakahandang Barangay Peace and Order and Public Safety (BPOPS) Plan para masiguro at mapanatili ang sertipikasyon ng ating Barangay bilang "Drug Free"
Bumisita din ang San Jose Fire Station-Occidental Mindoro sa pangunguna ni FInsp Rogelio O. Cabalse Jr. para talakayin ang Oplan Ligtas na Pamayanan Community Fire Protection Plan.
Nakatakda ang susunod na session sa darating na Pebrero 5.