Ang malnourished na bata ay may timbang na mababa para sa kanyang edad o hindi kaya naman ay sobra sa timbang.
Noon, ang basehan ng OPT ay nakatuon lamang sa bigat, subalit sa patuloy na pag-aaral, napatunayang mahalaga ring maitala ang height o taas o haba ng bata kaya idinagdag na rin ang pagsukat nito, kaya ang aktibidad ay tinatawag na ngayon bilang OPT+.
Ang OPT+ team ng ating Barangay ay binubuo ng Barangay Nutrition Scholars katuwang ang ating mga Barangay Health Workers.
Kabilang sa mga medical equipment na karaniwang ginagamit sa OPT+ ang Salter Weighing Scale at Nutriboard o Height Board.