Inatasan ang mga Purok Leaders na mag ikot sa kanilang mga Purok upang masiguro na lahat ay nahahakot at kung merong hindi nahahakot ay kaagad na ipagbigay alam kay Kagawad Eniego upang ito ay magawan ng agarang aksyon.
Ilan sa plano ng ating Kagawad Eniego ay paglalagay ng Material Recovery Facility o MRF sa bawat purok at garbage stations sa mga designated area upang doon dadalhin at pansamantalang itatambak ang mga basura para maiwasan na ito ay makalkal at ikalat ng mga aso habang hindi pa nahahakot ng truck.
Plano din na maglunsad ng interpurok cleanliness contest para magkaroon ng environmental awareness ang mga tao. Ang kalinisan ay dapat na nagsisimula sa ating sariling tahanan at bakuran.
Ang mga lugar na ginagawang tapunan kahit hindi naman dapat ay ipapalinis din. Maglalagay ng signage na bawal magtapon ng basura at magkakabit ng CCTV para mamonitor at mahuli ang mga walang disiplina at masakit sa ating kapaligiran.
Ang magagandang hangarin at plano ng ating Kagawad Eniego ay suportado ng ating Punong Barangay.