Ang pagpapamahagi ng insecticide treated nets (ITNs) ay isang mahalagang hakbang ng Department of Health (DOH) sa paglaban sa mga sakit na dulot ng mga lamok.
Ang pangmatagalang Insecticide Treated Nets ay gumagamit ng hybrid polymer at kontroladong insecticide release na teknolohiya upang itaboy, patayin, at pigilan ang pagkagat ng lamok nang hanggang limang taon. Ang mga ito ay nagsisilbing mahalagang linya ng depensa laban sa lamok at iba pang mga sakit na dala nito tulad ng dengue, chikungunya, zika, malaria at Japanese encephalitis.
Katuwang sa namahagi nito ang ating mga Barangay Health Workers at Midwife na si Shela R. Alvaro.
Ito ay sinaksihan nina Kagawad Julieta C. Arevalo at Kagawad Libner B. Vidal.