Ang pagtataas ng watawat, panalangin at pagkumpas ng pambansang awit ay pinangunahan ng ating mga BHW.
Matapos ang flag ceremony ay nagkaloob naman ng mga Certificate of Appreciation ang ating SK Chairman David Benson P. Valdez sa coach na si Toto Tendido at mga manlalaro ng basketball na lumahok bilang Team San Roque at nagwagi bilang Champion sa ginanap na Barangay Central Inter-Barangay Open Basketball Tournament noong Marso 15, 2024.