Ang panalangin ay pinangunahan ni Kagawad Julieta C. Arevalo samantalang ang pambansang awit ay kinumpasan ni Rosita Gorospe.
Nagbahagi naman ng salita ng Diyos si Pastor Ancheta.
Ipinaalam ni Kagawad Joselito A. Dinglasan ang tungkol sa samahan ng mga may diabetes at pagpapamiyembro dito sa halagang Php 200.00. Kapag nakakuha na ng buong detalye hinggil sa mga benepisyong maaaring makuha kapag ang isang indibidwal ay naging miyembro nito ay agad na ipapaalam sa ating Purok Leaders.
Ipinaalam din ni Punong Barangay Julieto "Junjie" D. Tria Jr. na ang ating barangay ay pinagkalooban ni Mayor Rey C. Ladaga ng CCTV set.