Ang pangunahing layunin ng seminar na ito ay magbigay ng kaalaman sa mga opisyal at kawani ng barangay tungkol sa Katarungang Pambarangay o Barangay Justice System. Layon nito na palakasin ang sistema ng katarungan sa antas barangay at magbigay ng alternatibong paraan sa pagresolba ng mga alitan o di pagkakaunawaan sa loob ng komunidad.
Isa sa mga tinalakay ay ang Republic Act 7610, na kilala rin bilang "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act," ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong tiyakin ang pangangalaga at proteksyon sa mga bata mula sa iba't ibang anyo ng pang-aabuso at pagsasamantala, kabilang ang child labor, child trafficking, sexual abuse, child prostitution, at iba pang uri ng paglabag sa kanilang karapatan.
Gayundin ang Ang Republic Act 9262, na kilala rin bilang "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004," ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong protektahan ang mga kababaihan at kanilang mga anak mula sa anumang uri ng pisikal, emosyonal, at sekswal na karahasan. Layunin nitong bigyan ng proteksyon at suporta ang mga biktima ng karahasan at mabigyan sila ng karampatang katarungan.
Napag usapan din ang mga sumusunod sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kalahok ng iba't iba't senaryo ayon sa kanilang naranasan:
- Proseso ng tamang pagtugon sa mga reklamo at kaso
- Pagsusulong ng medyasyon at konsilasyon bilang paraan ng pag-aayos ng mga alitan.
- Paggamit ng alternatibong paraan ng pagresolba ng mga alitan, tulad ng arbitration at conciliation
- Mga tungkulin at responsibilidad ng mga opisyal at kawani ng barangay sa pagtugon sa mga kaso
Nagkaroon din ng malayang talakayan na aktibong nilahukan ng ating mga Barangay Public Safety Officers, Barangay Justice, Purok Leaders at VAWC.
Nagpapasalamat po kami sa aming mga naging panauhin na sina:
- Ms. Mariel S. Patubo
- Social Welfare Officer III
- PEMS Analyn P. Loja
- Chief Investigator
- PEMS Ronnald L Mitra
- Municipal Executive Senior Police Officer
- PLTCOL. Jeny P. Magan
- OIC, San Jose Municipal Police Station
Lubos po kaming nagpapasalamat kay Hon. Judge Jose S. Jacinto Jr. sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon para maging pangunahing panauhin.