Nagkaroon ng munting programa at oryentasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ginanap sa covered court ng Barangay Poblacion 4, San Jose, Occidental Mindoro.
Buong pwersang nakilahok ang ating Barangay kasama ang mga Opisyal, Staffs, Barangay Justices, Purok Leaders, Barangay Health Workers at Barangay Public and Safety Officers sa paglilinis ng bahagi ng Pandurucan River (Purok 3) gayundin sa coastal area ng ating Barangay (Purok 1, 1A at 2A).
Ang paglahok sa ganitong aktibidad ay mahalaga upang magbigay diin sa kahalagahan ng tubig sa ating buhay at kalikasan gayundin ng pagtutulak ng mga hakbang upang pangalagaan at palakasin ang ating mga pinagkukunan ng tubig para sa kasalukuyan at hinaharap na henerasyon.